ALAMIN kung paano hinarap ng isang guro ang laban ng buhay simula nang dapuan siya ng naiiba at hindi pangkaraniwang karamdaman ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Gagampanan ni Gerald Anderson ang papel ni Bert, isang lalaking may X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o tinatawag ding Lubag Syndrome. Base sa mga pag-aaral, kalalakihang Pilipino ang madalas na tinatamaan nito at may sintomas tulad ng pagkautal, hirap sa paglalakad at pagsulat, at hindi makontrol na paggalaw ng mga kalamnan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Simula pagkabata ni Bert ay pinangarap na niyang maging isang guro tulad ng kanyang mga magulang. Kaya nagsipag siya sa pag-aaral hanggang sa makamit niya ang inaasam na propesyon.

Ibinigay niya ang kanyang puso sa tungkulin at hinigitan pa ito sa pamamagitan ng pagiging ikalawang ama sa kanya mga estudyante. Hanggang sa isang araw, lumitaw na ang sintomas ng kanyang karamdaman at kinailangan niyang tanggapin ang masaklap na katotohanan.

Pelikula

Jennylyn Mercado, naniniwalang importante sinumpaang pangako ng mag-asawa

Makakasama ni Gerald sa episode ng MMK mamaya sina Snooky Serna, Raikko Mateo, Kyle Banzon, EJ Jallorina, Veyda Inoval, Karla Cruz, Dale Badillio, Angelo Ilagan, Ronalissa Cheng, Trina Legaspi, Ellaine Quemel, at Lui Manansala, mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksyon ni Nuel Naval.