Carla copy

KASABAY ng ATC Healthcare launching kay Carla Abellana bilang endorser ng Vita E Softgel Capsule ang contract signing niya na ginanap sa Novotel Hotel noong Huwebes ng hapon at iniinom pala ng aktres ang nasabing supplement kaya madali siyang napapayag.

“Kaming mga artista ay puyat lagi, napapanood n’yo kami na naka-make up, nakabihis na, pero kapag natanggal na ‘yung make-up, kita na ‘yung skin, so I would recommend this Vita E sa kapwa ko artista kasi it’s good for your skin and health din po.

“Honestly, kailangan po namin talagang mga artista ang ganitong supplement at constant exercises.

“ATC is trustworthy, may nabuo na pong pangalan ang ATC, maganda ang track record nila and they have other brands na talagang pure health, You know for a fact that it’s effective and in fact kaka-celebrate lang nila ng 10th year anniversary nila, trust na talaga ang kumpanya nila.”

Mga Pagdiriwang

Tuklasin: Mga kulturang weirdo at kakaiba pero ipinagdiriwang pa rin sa mundo!

Malaking tulong daw ang naibibigay ng Vita E sa mga taong laging puyat dahil pinananatili nito ang functions of blood vessels kaya laging may youthful glow ang skin, may all around protection sa immune system, pinabababa ang panganib sa cancer, heart disease at stroke.

Pagkatapos ng Q and A sa presscon ng ATC ay nakausap namin nina Manay Ethel Ramos, Bossing DMB, Ateng Maricris Valdez-Nicasio at Katotong Vinia Vivar si Carla tungkol sa mga bumabatikos sa kanya sa page-endorso niya kay Mar Roxas.

Tinanong ni Bossing DMB kung ilan na ang iniendorsong produkto ni Carla. “May sampu na po, wala pa naman pong isang dosena, meron na po yatang sampu, ganu’n,” kaswal na sagot ng aktres. Hirit ni Bossing DMB, pang-ilan si Secretary Mar?

Ang mabilis na ganting tanong-sagot ni Carla, “Endorsement po ba ‘yun? Product po ba ‘yun? It’s really more of a choice than an endorsement.”

At ang pananaw ni Carla sa mga bumabatikos sa kanya sa social media dahil sa pagsuporta niya kay Sec. Mar:

“Ganu’n po talaga, kasi siyempre there are other candidates, so natural lang na (batikusin ako).

And ultimately why, because kung track record po ang pagbabasehan, titingnan n’yo naman ho, marami talaga siyang nagawa. Number two, he is the most qualified. Number three,

I would say, the most experienced ‘tapos varied ho ‘yung scope niya.

“Then I knew him personally. yes, isa pa sa reason kasi I was able to get to know him outside of work or off-cam on a personal level po.

Kaya iba po ‘yung endorsement, it’s a choice. Kasi endorsement, you know, it comes with terms, limitations, may specific, may binding pa,” paliwanag na mabuti ng aktres.

Wala naman daw ibang presidentiable na nagparamdam kay Carla bukod kay Sec. Mar.

“Wala po, because on a personal level po, wala akong kilala sa kanila po. And kung work man siyang pag-uusapan, professionaly, parang wala ring lumapit,” sabi ng aktres.

Personal na kilala ni Carla si Mar dahil marami siyang mga kamag-anak at kaibigan sa Ateneo community na kinabibilangan nito (kahit na La Salle graduate siya).

“Doon pa lang you know that may common crowd then I have a cousin who is best friend with his pamangkin, so marami na pong may koneksiyon.” (Reggee Bonoan)