Kulungan ang kinahantungan ng dalawang menor de edad matapos nila umanong tangayin ang isang motorsiklo sa Silang, Cavite, nitong Disyembre 5.

Dahil mga menor, tumanggi ang pulisya na ihayag ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kapwa 17-anyos, estudyante, at residente ng Silang.

Sinabi ni PO3 Teresita Rosano-Mortel na ang dalawang binatilyo ang itinurong nagnakaw sa puting Kawasaki Fury (7716-DP) ni Ildefonso Reyes Carranza, vendor, noong gabi ng Disyembre 5.

Naaresto ang dalawang suspek sa tulong ni Barangay Chairman Leo Belando at nina Arthur M. Toledo at Lorenzo Masangkay, nang makita nilang sakay sa ninakaw na motorsiklo ang isa sa mga salarin, sa Luksuhin Road.

Internasyonal

Habang naka-live broadcast: Iran state TV network, binomba ng Israel

Habang ang isa pang suspek ay dinampot ng pulisya sa follow-up operations.

Sinabi ni Masangkay sa pulisya na madalas gamitin ng dalawang menor de edad ang motorsiklo simula nang nakawin ito.

(Anthony Giron)