11Donaire copy

Idinekalara nang isang world title fight ang bakbakan nina Nonito Donaire, Jr. at Cesar Juarez ng Mexico.

Kahapon ay inanunsiyo na ng World Boxing Organization (WBO) ang kanilang basbas na paglalabanan nina Donaire at Juarez ang bakanteng superbantamweight belt na tinanggal kay dating titleholder Guillermo Rigondeaux ng Cuba.

Hinubaran si Rigondeaux ng korona dahil sa madalang nitong pagdepensa ng korona kung saan dalawang beses niya lamang itong itinaya sa huling dalawang taon.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Aminado naman ang American manager ni Donaire na si Cameron Dunkin na alam nilang ibibigay din ng WBO ang kanilang basbas para gawing world title fight ang laban ni Filipino Flash kay Juarez na gaganapin bukas sa Coliseo Roberto Clemente sa San Juan, Puerto Rico.

“We knew all along. We we’re just waiting for the WBO to announce it. We just had to wait until they were ready to do that but we were promised that,” Said Dunkin “They don’t want to get sued. They were just very careful. They kept their word and now everything’s fine.”

Si Juarez ang number one contender sa 122lb-class habang second ranked naman si Donaire sa parehong dibisyon.

Samantala hindi naman minamaliit ni Dunkin ang kakayahan ng 24-anyos na si Juarez na nakapagtala na ng 17-3 win-loss record, 13 dito ay natapos ng knockout.

“My real concern is Juarez who is a hard punching guy. He really comes to fight but thank goodness Nonito is in tremendous shape but really I don’t think it’s an easy fight at all,” dagdag ni Dunkin.

Target ng 33-anyos na si Donaire (35-3, 23 knockouts) na mabawi ang korona ng dibisyon na kaniyang pinagharian mula June 2012 hanggang sa putulin ni Rigondeaux ang kaniyang pamamayagpag via 12-round split decision noong April 2013 sa New York. (DENNIS PRINCIPE)