PORTLAND /SEATTLE (Reuters) — Nagbunsod ng mudslide at baha ang malakas na ulang hatid ng bagyo sa Pacific northwest noong Miyerkules, nawalan ng kuryente ang libu-libong tao at iniwang patay ang dalawang babae sa Oregon, kinumpirma ng mga awtoridad at ng media.

Dumanas ang Portland ng mahigit 5 pulgada ng ulan sa loob ng tatlong araw, halos kasindami ng ulan sa buong Disyembre sa isang karaniwang taon, at sa Seattle ay lumagpas ito sa normal na patak ng ulan sa Disyembe sa loob lamang ng 8 araw, sinabi ng National Weather Service.

Ayon sa service, ang bulubunduking bahagi ng Oregon at ang katabing Washington state, kung saan nagdeklara si Governor Jay Inslee ng state of emergency noong Miyerkules, ay tumanggap ng mahigit isang talampakang ulan.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture