Masasaksihan muli ang matitinding sagupaan sa pagitan ng mga propesyonal na boksingero ng bansa sa pagbuhay ni 8th division world champion Manny Pacquiao sa matagal na nagpahinga na tagapagdiskubre at naging daanan ng maraming kampeon na torneo na kikilalanin bilang “Manny Pacquiao Presents Blow by Blow.”

Inilunsad ni dating North Cotabato Governor Emmanuel Piñol kasama sina boxing promoter Lito Mondejar at TV5 Chot Reyes ang pagbabalik sa telebisyon ng paboksing na nilahukan ng panibagong format at dinagdagan ng mga insentibo para sa mga tatanghaling matatagumpay na mga Pilipinong boxer.

“Manny (Pacquiao) is one of the most inspiring sports icons the Philippines has ever produced so it comes as no surprise that many aspiring boxers wants to follow his footstep,” sabi ni Piñol. “Manny is himself is the one who decided to revived the program and take it upon himself to personally discover and nurture his possible successor.”

Matatandaan na nagsimula si Pacquiao sa kayang boxing career sa Blow by Blow at nakatakda na naman itong magretiro matapos ang kinukonsidera nitong pinakahuling laban sa Abril 2016.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Magtutulungan ang TV5 at Blow by Blow Promotions sa torneo na direktang nakatuon sa pagdidiskubre sa mga bagong henerasyon ng posibleng maging kampeon sa boxing sa pagsasagawa ng kada buwan na sagupaan sa iba’tibang lugar ng bansa.

Unang isasagawa ang labanan sa General Santos kung saan ipalalabas sa telebisyon kada Linggo sa ganap na 2:00 ng hapon simula sa Disyembre 13 bago ang mga laro ng PBA.

Limang weight division lamang ang paglalabanan base sa format na kinabibilangan ng flyweight, bantamweight, featherweight, lightweight at welterweight, na mga dibisyon kung saan tinanghal na kampeon si Pacquiao.

Ang mga boksingero sa kada dibisyon na makapagtatala ng pinakamaraming bilang ng panalo sa loob ng 12 buwan ay may pagkakataon na tanghalin bilang Most Outstanding sa kani-kaniyang dibisyon kung saan tatanggap ito ng isang tropeo at P50,000 cash prize.

Maliban naman sa kani-kanilang weight category, ang boksingero na magpapakita ng pinakamahusay na paglaban sa buong taon ay kikilalanin bilang Most Promising Boxer Season 1 at tatanggap ng espesyal na Manny Pacquiao MPB Trophy at mas malaking premyo.

Suportado naman ni TV5 President at Chief Executive Officer Noel Lorenzana at TV5 Chairman at sports patron Manny V. Pangilinan ang bagong programa ni Pacquiao sa paniniwala na malaki ang maitutulong nito sa paghanap ng mga talentadong boxers na makapagbibigay karangalan sa Pilipinas. (ANGIE OREDO)