Dahil sa pinaigting na pagpapatupad ng “Oplan Lambat Sibat” at one-time big time operation ng National Capital Region Police Office (NCRPO), umabot na sa P123-milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa nakalipas na apat na buwan sa buong Metro Manila.

Ito ang ipinagmalaki ni NCRPO Director Joel Pagdilao, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pagsugpo sa ilegal na droga at pagkakakumpiska ng 25.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P123 milyon.

Bukod sa shabu, sinabi ni Pagdilao na sinampahan na rin ng kasong kriminal ang 97 indibiduwal na naaresto sa mga serye ng pagsalakay ng pulisya.

Simula noong Hulyo hanggang Nobyembre, narekober ang kabuuang 25.1 kilo ng shabu, tatlong motorsiklo at drug paraphernalia sa ikinasang Oplan Lambat Sibat at one-time big time operation sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at Barangay Anti-Illegal Drug Abuse Council (BADAC).

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Tiniyak ni Pagdilao sa publiko na pag-iibayuhin pa ng pulisya ang pagpapatupad ng batas at pagsugpo sa krimen upang mapigilan ang paglaganap ng ilegal na droga sa Metro Manila.

“Importanteng palakasin natin ang kampanya natin laban sa droga, magagawa natin ito kung sama-sama tayo,”sabi ni Pagdilao. (Bella Gamotea)