Dahil sa pagkalugi sa negosyo, winakasan ng isang negosyante ang kanyang buhay matapos siyang magbigti sa loob ng bahay sa Malabon City, noong Miyerkules ng hapon.

Nadiskubre ng kanyang asawang si Marife Daiz ang bangkay ni Rolando Daiz, 59, habang nakabitin sa kisame ng ikalawang palapag ng kanilang bahay sa No. 5516 P. Concepcion Street, ng nasabing lungsod, dakong 1:00 ng hapon.

Nag-iiyak ang kabiyak na humingi ng tulong sa kanilang trabahador na si Rommel para maibaba ang nakabigting asawa.

Isinugod si Daiz ng kanyang asawa sa Pagamutang Bayan ng Malabon, pero idineklara itong dead on arrival.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nabatid na kumot ang ginamit ni Daiz sa pagbibigti.

Si Daiz ang may-ari ng AXL junk shop na umano’y malapit nang isara dahil sa pagkalugi.

Ayon kay Marife, naging malulungkutin ang kanyang asawa simula nang hindi na kumikita ang junk shop nito.

Nag-iwan pa ng suicide note ang negosyante na nakasulat ang “Kagustuhan ko na ito, wala nang ibang mananagot, pasensiya na wala namang tutulong sa akin at ito na lang ang paraan.” (Orly L. Barcala)