ILAGAN CITY – Pinangunahan ng Ilagan City Police sa lalawigan ng Isabela ang pagbubuwag sa illegal drug operation matapos maaresto ang isang supplier ng marijuana sa mga estudyante.

Kinilala ni Supt. Manuel Bringas, chief of police, ang suspek na si Fernando Bacud, 26, binata, tindero, at residente ng Barangay Guinatan, Ilagan City, Isabela.

Nakatanggap ng impormasyon ang hepe na binubuyo ni Bacud ang mga estudyante sa lungsod na gumamit ng droga.

Bumuo ng grupo si Bringas at matapos ang pagsusubaybay ay naglatag ng buy-bust na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong 11:00 ng umaga noong Disyembre 7, 2015 sa bahay nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakumpiska kay Bacud ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa peryodiko at P200 marked money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165. (Liezle Basa Iñigo)