JEN AT ECHO copy

KULANG na lang malaglag ang brief o boxer shorts ni Jericho Rosales nang marinig ang mga papuri sa kanya ng leading lady niyang si Jennylyn Mercado sa pelikulang Walang Forever na idinirek ni Dan Villegas, MMFF 2015 entry ng Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions and Buchi Boy Films.

Si Echo raw kasi ang pinaka sa lahat ng naging leading man niya.

”Siya ‘yung pinakamabait, ang galing, kasi makikita mo sa mga staff kung paano niya tinatrato, mula sa malilit hanggang sa malalaki at maalaga siya sa lahat,” sabi ni Jen.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Idinugtong din niya na aprub kaagad sa kanya nang malaman niyang si Echo ang magiging leading man niya, wala nang kuwestiyon-kuwestiyon.

Same group ang team ng Walang Forever at ang nasa likod ng English Only Please na tumabo sa box office kaya aminado ang production team na pressured sila na kumita rin ito.

“Siyempre, nagwi-wish kami na sana…” sabi ni Jennyln. “Pero kung hindi okay na rin. Walang pressure, ayokong i-pressure ang sarili ko. Stress ‘yan, eh. Ayoko munang mag-entertain ng kahit anong pressure. Basta ano lang kami, kung ano lang ang dumating, sige tatanggapin namin.”

Pero kabado siya sa mga katapat nilang love team tulad ng JaDine at KimXi.

“Siyempre, ang lalakas nila. Kung hindi man namin matapatan or masabayan, basta ang importante nagawa namin nang maayos.”

Bagamat iisa ang direktor ng Walang Forever at English Only, Please, siniguro ni Jen na iba naman ang io-offer nila this time.

“Inalalayan niya ‘yun nang mabuti. Na dapat ibang-iba ito talaga.” (Reggee Bonoan)