TOKYO (Reuters) — Kailangan ng Japan na magbalangkas ng isang “integrated” immigration policy upang matugunan ang lumiliit na populasyon o nanganganib na pagkatalo ng tumatandang China sa kompetisyon para sa mahahalagang foreign workers, sinabi ng cabinet minister for administrative reform noong Huwebes.
Sa kasalukuyang trend, inaasahang bababa ang populasyon ng Japan sa 100 milyon sa 2048 at halos 87 milyon sa 2060, kung kailan 40 porsyento ng mamamayan ay magiging 65 o mas matanda.
“Even if you magically increased the birth rate by tomorrow, still it would take these babies 20 years to grow, so we really need to do something about the labor market,” sinabi ni Taro Kono, itinalaga noong Oktubre, sa panayam ng Reuters.