WASHINGTON (AFP) — Napatay sa isang coalition air strike ang Islamic State finance chief sa Iraq noong nakaraang buwan, sinabi ng US military noong Huwebes.

Si Abu Saleh ay napatay nitong huling bahagi ng Nobyembre, inihayag ni US military spokesman Colonel Steve Warren sa isang videoconference mula Baghdad, tinawag niya itong ‘’one of the most senior and experienced members’’ ng kasuklam-suklam na financial system ng grupo.

Muwaffaq Mustafa Muhammad al-Karmush sa tunay na buhay, ang 42-anyos na Iraqi ay nasa terrorist blacklist ng US State Department.
Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline