fury_JPEG1 copy

Tinanggalan ng International Boxing Federation (IBF) ng world heavyweight belt si British boxer Tyson Fury sa kautusan na makipagkita at makipagkasundo kay Wladimir Klitschko para sa isang rematch sa kanyang susunod na laban.

Inaasahang dapat na makipag-usap si Fury kay IBF No. 1 contender na si Vyacheslav Glazkov, sa isang mandatory defense, subalit hindi na ito nasunod dahil nakipagkasundo na siya kay Klitschko.

Magugunitang tinalo ni Fury si Ukranian Klitschko ng ilang puntos sa kanilang laban noong Nobyembre 28 na naging dahilan upang masungkit nito ang tatlong bersiyon ng heavyweight crown.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gayunman, ang dapat na labanan ni Fury ay si Vyacheslav Glazkov subalit ito ay umatras at pumirma ng rematch kay Klitschko.

Sa pahayag ng IBF noong Miyerkules, ang kontrata na kanilang natanggap para sa Klitschko-Fury bout noong Nobyembre 28 ay walang probisyon para sa isang rematch, at kung sakali man umano na magkaroon ng rematch, ito ay magaganap matapos na maipatupad ang mandatory defense. Kung hindi pumayag sina Klitschko at Fury sa nabanggit na kautusan, ay kapwa sila kakasuhan para sa nabanggit na laban.

Si Fury na malinis ang kartada, ay na-retain ang WBA at WBO versions ng heavyweight title, samantalang ang WBC belt ay hawak ni American Deontay Wilder.

Idinagdag pa ng IBF na humiling ang mga abogado ni Fury na payagan sila na huwag sundin ang kautusan, subalit hindi ito pinayagan ng IBF kung kaya’t simula noong Martes ay bakante na ang titulo na tinanggal kay Fury.

Ipinag-utos ng IBF na mag-usap sina Glazkov at No. 4 contender Charles Martin para sa isang laban upang makuha ang bakanteng titulo. Ang promoter ni Martin ay humiling ng purse bid, at ito ay itinalaga ng IBF sa Disyembre 18.

(Abs-Cbn Sports)