Ipinamalas ni James Harden ang tunay na kakayahan matapos madapa sa kanyang pinakapangit na paglalaro sa taon upang tulungan ang Houston Rockets na pasabugin ang Washington Wizards, 109-103, Miyerkules ng gabi.

Nagtala si Harden ng 42-puntos, 9 na rebound at 7 assist tampok ang pagbibigay ng abante sa Houston sa kanyang nakumpletong three-point play sa krusyal na yugto ng laro upang itulak ang Rockets sa 11-12 panalo-talong kartada habang nahulog ang Wizards sa kabuuang 9-11 kartada.

Bago ang laban ay nagawa lamang ni Harden na magtala ng 10-puntos sa kabiguan sa Brooklyn.

Agad naghulog si Harden ng 19- puntos sa halftime bago umiskor ng 16 sa ikatlong yugto upang bitbitin ang Rockets na depensahan ang panalo sa pag-atake ng Wizards.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagdagdag si Corey Brewer ng 15- puntos at si Patrick Beverley ay may 14- puntos upang tulungan ang Houston sa ikaapat na panalo sa loob ng limang laro at ikaanim sa nakaraang walong laban.

Nanguna si John Wall na may 26-puntos, 12 assist at siyam na rebound para sa Washington, na naghabol sa 15-puntos sa unang hati at nabigo sa anim na laro kontra sa pitong laban na ginawa sa kanilang lugar.

Tabla ang laban sa iskor na 99, isinagawa ni Harden ang isang stepped back move upang ipasok ang 16-foot jumper kontra kay Bradley Beal na tinawagan ng foul. Isinalpak nito ang free throw na nagtulak sa Houston sa abanteng tatlong puntos na may 2:13 natitira pa sa laban.

Samantala, umiskor si DeMar DeRozan ng kabuuang 28-puntos habang nagdagdag si Kyle Lowry ng 19-puntos upang tulungan ang Toronto Raptors na putulin ang apat na sunod na panalo ng San Antonio Spurs sa paghugot ng 97-94 panalo Miyerkules din ng gabi. (Angie Oredo)