Kung mayroon mang pagkakapareho ang Republican presidential candidate na si Donald Trump at si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, na kandidato sa pagkapangulo ng bansa sa 2016, ito ay ang kanilang pagiging prangka at taklesa sa pagtalakay sa maiinit na isyu.

Sa kanilang hindi pangkaraniwang istilo sa pag-akit ng boto, pareho silang hinahangaan ng mga botante kaya naman namamayagpag sila sa mga survey ng presidentiables.

Kapwa nila naiintindihan ang konsepto na malakas ang hatak kapag “galit” ang ipinangingibabaw sa pulitika, lalo na sa pananaw ng masa.

“I think there is a global retreat in popular faith in democracy,” pahayag ni Propesor Richard Heydarian, ng De La Salle University (DLSU)-Manila Political Science Department.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“From France, where the proto-fascist groups like National Front have emerged as leading party in latest elections, to US where even some black community leaders are beginning to support Trump,” ani Heydarian.

“It is clear that business as usual politics doesn’t inspire and appeal to people anymore,” pananaw ng political science professor.

Hinggil kay Duterte, na isa sa mga alkalde sa Pilipinas na may pinakamahabang termino, nagpapatunay lang na nakuha ng Davao City mayor ang pulso ng publiko na pikon na sa mga kapalpakan ng gobyerno, kaya nasasakyan ng mga ito ang kanyang pagmumura sa talumpati at istilong-sanggano.

Marami, ayon kay Heydarian, ang bumibilib sa pagiging totoo ni Duterte dahil tinutupad nito ang lahat ng binibitiwang pangako, lalo na sa pagpapatino sa Davao City laban sa kriminalidad at katiwalian.

“People want simple solutions to seemingly daunting challenges and have little patience with complex debates,” ayon pa kay Heydarian, isang eksperto sa Asian geopolitics.

“And Duterte exactly delivers,” aniya. (ROY C. MABASA)