Nlex_Sanmig_05_Dungo (3) copy

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maisasalba ni reigning back-to-back MVP Junemar Fajardo ang koponang San Miguel Beer dahil tiyak na may araw na malalagay ito sa foul trouble o kaya’ y di makalalaro ng maayos dahil may karamdaman.

Kaya naman kailangang laging maging handa ang iba pa niyang kakampi sa mga ganitong pagkakataon upang mapunan ang kawalan kung hindi makalalaro ang Cebuano slotman.

Ito ang laging sinasabi at ipinapaalala ni Beermen coach Leo Austria sa mga manlalaro niya na ‘di sinasadyang nangyari sa nakaraan nilang laro kontra NLEX.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Maagang na foul trouble si Fajardo at nag-graduate sa laro na naging dahilan upang hugutin ang kanyang reliever na si Yancy de Ocampo.

At hindi naman binigo ng 35-anyos na dating NAASCU champion St. Francis of Assisi College center ang Beermen dahil muli nitong ipinamalas ang kanyang natatanging husay makaraang umiskor ng double-double 17-puntos at game high 12 rebound.

Kung dati ay nag-a- average lamang si De Ocampo ng 5-minuto bukod sa 1.4- puntos at 1.7 rebound, sa nasabing laban kontra Road Warriors ay tumagal siya ng 26- minuto sa loob ng court.

“Yun ang laging sinasabi sa amin ni coach na anytime na hugutin kami dapat ready kami lagi,” ani De Ocampo na siya ring nagpa- graduate kay NLEX ageless big man Asi Taulava sa nalalabing 4:23 ng overtime period kung saan ibinigay nya ang kalamangan sa Beermen, 81-78, mula sa pagtatapos ng regulation sa 78-all. (MARIVIC AWITAN)