Sumang-ayon si outgoing Commission on Audit Commissioner Heidi Mendoza na magkaroon ng pagbabago sa Bank Secrecy Law.

Ito, ayon kay Mendoza, ay dahil sa kasalukuyang bersyon ng naturang batas ay nagbabawal sa CoA na mabusisi ang mga ahensiya ng pamahalaan at mga opisyal nito.

“While we would like to be more successful in our lifestyle check [of government officials] – kasi talagang importante ‘yan in the fight against corruption – the problem is there are certain limitations. Number one, ‘yung Bank Secrecy Law. Hindi namin ma-access ‘yung mga private accounts ng mga officials,” paliwanag ni Mendoza sa idinaos na Philippine Data Summit 2015 forum sa Quezon City.

Aniya, ang account na nais maimbestigahan ng ahensiya ay mga government account at hindi account ng mga pribadong indibidwal kaya dapat silang magkroon ng access sa mga account ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Nakasaad sa Section 2 ng Republic Act 1405 o Law on Secrecy of Bank Deposits, na ang lahat ng deposito sa alinmang bangko o alinmang banking institution ay itinuturing na confidential at hindi maaaring mabulatlat at matingnan ng sinuman nang walang permiso mula sa may-ari nito.

Binigyang-diin ni Mendoza na dapat maamyendahan ang naturang batas upang magampanan nang mahusay ng mga auditor ng gobyerno ang kanilang trabaho. (JUN FABON)