Isa ang namatay at dalawa ang nagtamo ng mga pinsala sa magkahiwalay na sunog sa lungsod ng Maynila nitong Miyerkules ng gabi at Huwebes ng madaling araw.

Dakong 7:00 ng gabi kamakalawa nang sumiklab ang unang sunog sa Tejeros Street, kanto ng Zamora Street sa Sta. Ana.

Namatay sa sunog si Maribel Zamora, 41, nang makulong sa kanilang tahanan. Sa ulat ng Manila Fire Department, umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula dakong 8:40 ng gabi at tinatayang P300,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Samantala, dakong 1:47 ng madaling araw nang sumiklab ang ikalawang sunog sa Gonzales Street sa Ermita sa unit ng isang Atty. Cipriano Farrales, 81. Nagtamo ng minor burns sina Froilan delos Reyes, 17, at Kenny Rose delos Reyes, 19. Iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog at naapula dakong 2:00 ng madaling araw.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inaalam pa ng pulisya ang pinagmulan ng mga naturang sunog. (Mary Ann Santiago)