ANAO, Tarlac — Aktibo na naman ang mga miyembro ng ‘budol-budol gang’ ngayong Kapaskuhan at dalawang ginang ang nabiktimsa sa Barangay Sinense, Anao, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni PO1 Emil Sy, kinilala ang mga biktima na sina Jocelyn Sacanle at Erlinda Bustillo, kapwa nasa hustong, ng nasabing barangay.

Bandang 8:00 ng umaga habang nasa bahay si Sacanle ay isang nakamotorsiklong lalaki ang nagpakilalang kaibigan ng namatay nitong anak.

Sinabi ng suspek na mayroon siyang limang kaban na bigas at ipinagbibili lamang niya ng P1,300 bawat kaban. Kung kukunin ng ginang ang limang kaban ay ibibigay niya ito ng P1,000 bawat kaban. Ipinaalam ito ni Sacanle kay Bustillo hanggang sa mabuo nila ang P5,000 at ibinigay sa suspek.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa report, tinawag ng dalawang biktima ang 16-anyos na si “Jericho” at inutusan na samahan ang suspek para kunin ang bigas.

Subalit pagsapit sa Bgy. Hernando, Anao, Tarlac ay biglang ibinaba ng suspek ang binatilyo at pinasibat ang kanyang motorsiklo. (Leandro Alborote)