BACK to work sa movies na si Vhong Navarro at masaya siya sa paggawa ng Buy Now, Die Later na entry pa sa Metro Manila Film Festival ng Quantum Films Production. 

Sa episode na “Masid” ng movie, gumaganap si Vhong bilang si Odie, isang online blogger na gustong sumunod sa yapak ng father niyang famous photojournalist. May mabibili siyang camera kay Santi (TJ Trinidad) at iyon ang makatutulong sa kanya para sumikat, pero may kapalit namang hindi maganda. Paano niya maso-solve ang mga nakikita niya sa videos na nagawa niya mula sa biniling camera? Ano ang magiging resulta ng kanyang imbestigasyon?

“Marami pong horrifying scenes na mapapanood kayo kapag ipinalabas na ito,” sabi ni Vhong. “Pero may mga eksena rin na nakakatawa kaya balanced lang ang mga nakatatakot at masasayang tagpo sa movie.

Ang Buy Now, Die Later ay dinirehe ni Randolph Longjas mula sa script ni Allan Habon at nagtatampok din kina Lotlot de Leon, Rayvwer Cruz, John “Sweet” Lapus, Alex Gonzaga, TJ Trinidad at introducing si Janine Gutierrez.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

After the presscon, nang makausap si Vhong ng entertainment press, hindi niya itinanggi na talagang naapektuhan ang noontime show nilang It’s Showtime sa ABS-CBN sa pagpasok ng love team nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga ng GMA-7. Pero patuloy pa rin daw naman silang nagbibigay ng kasayahan sa kanilang viewers. 

Itinanggi naman niya at wala raw siyang alam na hanggang sa February na lamang ang show nila dahil wala pa namang sinasabi sa kanila ang management. 

Pero kung totoo raw iyon, wala naman silang magagawa, susunod lamang sila bilang talents ng network. (NORA CALDERON)