Anim na probinsiya ang unang inilagay sa election hotspots, sa pagsisimula ng paghahanda ng Philippine National Police (PNP) para sa halalan sa Mayo 2016.

Sinabi ni Director General Ricardo Marquez, PNP chief, na ang listahan ay nagmula sa police intelligence community batay sa assessment ng mga nakalipas na halalan gayundin ang sitwasyon sa kasalukuyan.

“The classification is based on three categories. We already have the list of all of them,” sabi ni Marquez.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“But it’s a work in progress. Everyday is another day especially in areas where there is a very strong partisan political rivalry,” dagdag niya.

Batay sa listahan, kabilang sa mga lalawigan ay ang Masbate, Pangasinan, Negros Oriental, Samar, Maguindanao at Lanao del Sur.

Sinabi ni Marquez na ang anim na lalawigan ang magiging pokus ng security operations sa posibleng pagmulan ng mga karahasan kaugnay sa pulitika.

Sinabi niya na ang iba pang lugar ay isasailalim sa daily monitoring.

Bilang bahagi ng security preparations, sinabi ni Marquez na magpapatupad sila ng pambansang kampanya laban sa mga armas sa pamamagitan ng direct operation o sa iba pang paraan upang matiyak ang non-proliferation nito, lalo na sa panahon ng eleksiyon.

Sinabi niya na batay sa tinalakay kasama ang Commission on Elections, magpapatupad ang PNP ng gun ban simula Enero 10 hanggang Hunyo 8.

“The date is basically the entire election period,” ani Marquez.

Magpapatuloy din ang operasyon ng PNP laban sa partisan armed groups at regular check sa loose firearms.

“These kinds of operations are on a whole-year basis because this is part of our law enforcement duty,” sabi ni Marquez. (Aaron B. Recuenco)