Isang petisyon na naghahamon sa kautusan ng Senate Electoral Tribunal (SET), na nagdeklara na natural-born Filipino at kuwalipikadong maging senador si Independent presidential candidate Grace Poe, ang isinampa sa Korte Suprema nitong Martes.

Sa petisyon ni Rizalito David, hiniling nito sa Supreme Court na baliktarin ang naging desisyon ng SET kung saan hindi nito nasunod ang batas nang naaayon sa konstitusyon.

Isinaad ni David sa petisyon na ang desisyon ng SET ay maliwanag na “misinterpreted the Constitution, the laws, the procedural rules, and jurisprudence in giving effect to non-binding international (laws) and in acknowledging the flawed theory of citizenship by legal fiction.”

“We are confident that the Supreme Court will reverse the SET decision for grave abuse of discretion,” ang naging pahayag ni David sa mga mamamahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon pa kay David, lima sa siyam na miyembro ng SET ay nagkamali sa pagdeklara na si Poe ay isang natural-born Filipino at ito ay kuwalipikadong maging miyembro ng senado.

Ang limang SET members na bumotong pabor kay Poe ay sina Senators Vicente “Tito” Sotto III, Loren Legarda, Pia Cayetano, Cynthia Villar at Bam Aquino.

Ang mga kumontra naman ay sina SC Senior Justice Antonio T. Carpio, SET chairman, at SC Justices Teresita J. Leonardo de Castro at Arturo D. Brion at Sen. Nancy Binay.

Mas pumabor na ikonsiderang natural-born Filipino si Poe sa kabila ng pagiging foundling nito. (Rey G. Panaligan)