Inatasan ng Commission on Audit (CoA) ang Maritime Industry Authority (MARINA) na ibalik sa pamahalaan ang P5.41 milyong bonus at allowance ng mga opisyal at kawani ng nasabing ahensiya noong 2014.

Sa annual audit report ng CoA, binanggit nito ang mga opisyal at kawani ng MARINA Central Office, gayundin sa Region IV at V, na binigyan ng karagdagang benepisyo sa kabila ng kawalan ng basehang legal.

Sinabi ng CoA na binigyan ng MARINA ng kabuuang P4.760 milyon o P20,000 ang bawat opisyal at empleyado nito sa Central Office at Region IV sa ilalim ng tinatawag na “milestone accomplishment reward” kaugnay na rin ng kanilang ika-40 anibersaryo noong Hunyo 1, 2014.

“The ‘milestone accomplishment reward’ was given on top of the P3,000 anniversary bonus granted to all the officials and employees of the agency,” ayon sa CoA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit ng CoA na ang pamamahagi ng “milestone bonus” ay kasalungat ng umiiral na regulasyon alinsunod na rin sa Administrative Order No. 263 na may petsang Marso 18, 1996, kung saan binabanggit na ang payment of anniversary bonus ay hindi dapat lalagpas ng P3,000 sa kada kawani nito.

Natuklasan din ng CoA na nagbigay pa ng bonus na P425, 000 ang MARINA Main Office sa 17 na empleyado nito na tumagal ng 25 taon sa kanilang serbisyo sa pamahalaan.

Bukod dito, nagbigay din ng rice allowance na P2,500 sa kada kawani ng MARINA sa Region V na aabot sa kabuuang P225,000. (Rommel Tabbad)