NITONG Lunes, ‘tila gumuho na ang pag-asa ng mga commuter sa iba’t ibang problema na makakatikim pa ng kumbinyente at maaasahang pampublikong transportasyon. Bukod sa araw-araw na pagbraso sa matinding traffic sa Metro Manila, mamalasin ka kapag nataon na may transport strike, tulad ng inilunsad ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

Sa kasagsagan ng buhos ng mga empleyadong papasok sa kani-kanilang tanggapan, nagsagawa ng strike ang grupo ni Efren De Luna sa Arca South passenger terminal (dating FTI complex) sa Taguig City.

Ipinoprotesta ng grupo ni De Luna ang ikinasang phase out ng mga lumang jeepney na anila’y ipatutupad na ng gobyerno sa 2016.

Halos walang biyahe ng jeepney ng umagang iyon kaya maraming pasahero ang napilitang sumakay ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa FTI Station, na sa ordinaryong araw ay pila-balde na ang mga biyahero.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Habang ang iba ay naglakad nang pasalubong sa kanilang direksiyong dapat tahakin, sa pag-asang makakasalubong ng jeepney, marami ang nakipagsapalaran at nakipagsiksikan sa PNR train.

Kalunus-lunos ang kalagayan ng mga pasahero sa PNR Station, bukod sa mala-ahas ang haba ng pila ay kakarampot ang bubungan na itinayo upang proteksiyunan sana ang mga biyahero sa matinding init ng araw.

Wala ring upuan kahit para sa mga nakatatanda, may sakit, o inang may bitbit na sanggol.

Pero nasaan ang tren?

Halos dalawang oras na naantala ang pagdating ng tren patungong Alabang. Ang dahilan, may tumirik na PNR train sa San Andres Station kaya hindi makadaan ang susunod na tren.

Nadaanan ni Boy Commute ang kaawa-awang sitwasyon ng mga pasahero kapwa sa FTI at San Andres Station, na ‘tila mga nabagsakan ng langit.

Lunes na Lunes ay doble-malas ang kanilang inabot. Siyempre, ang pinagtuunan ng galit ay ang gobyerno na namamahala sa PNR train system.

Nakakuha ng video si Boy Commute at ipinost niya ito sa Facebook page ng Manila Bulletin.

Ito ang ilang komento sa video ni Boy Commute sa FB:

Maria A. Sy: Sa Japan, one minute lang ma-late todo apologize na sila. Dito, ang mga commuter laging nagtitiis.

Generouslyn Trel Teves: Kawawa naman ang mga pasahero. Sana pakilo nalang ‘yan kaya he he he, joke lang. Sana may rescue hirap, kaya mag-antay ‘pag ganyan kalagayan pangyayari. Nakakainis ‘di ba?

Myrna Racadio: Eh akala ko ba magpapasagasa si Noynoy ‘pag ‘di naayos ‘yang LRT, ba’t wala pa kaming balita na nasagasaan na siya. (ARIS R. ILAGAN)