Binuweltahan kahapon ng Malacañang si Sen. Grace Poe dahil sa pagbatikos ng mambabatas sa kampanyang “Daang Matuwid” ng administrasyong Aquino.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na walang tigil ang pangako ni Poe na hihigitan nito ang mga nagampanan ng gobyernong Aquino subalit wala itong nilalatag na konkretong programa bilang alternatibo.
“Senator Poe has been promising to surpass the administration’s accomplishments without offering concrete alternative programs, which our people have the right to expect from presidential candidates such as herself,” ayon kay Coloma
Bagamat panay ang batikos sa mga programa ng gobyerno, sinabi ni Coloma na sinuportahan din ni Poe ang mga adhikain ni Pangulong Aquino dahil tumakbo siya sa pagkasenador at nanalo noong 2013 sa ilalim ng partido ng administrasyon.
“In the 2013 elections, which served as a virtual mid-term referendum on ‘Daang Matuwid,’ the Aquino administration received an overwhelming vote of confidence from the people with nine senatorial candidates of the administration coalition headed by then erstwhile MTRCB Chairperson Grace Poe in the winning column,” ani Coloma.
“For the past five years, Senator Poe had identified herself with the government’s priority reform programs on inclusive growth anchored on Daang Matuwid that have resulted in poverty alleviation, increased employment and improved revenue collection,” dagdag ni Coloma.
Nitong mga nakaraang linggo, ilang ulit na binanatan ni Poe ang “Daang Matuwid” ni PNoy dahil patuloy pa rin ang kalbaryo ng mga mamamayan lalo na sa suliranin sa matinding trapik, kahirapan, kontraktuwalisasyon, kawalan ng trabaho at mataas na bayarin sa buwis.
Nitong Disyembre 1, naglabas ng desisyon ang Second Division ng Commission on Elections (Comelec) na nagdidiskuwalipika kay Poe sa pagtakbo nito sa 2016 presidential elections dahil sa isyu ng citizenship at residency ng senador.
Subalit itinuro ng kampo ng senador ang Liberal Party, na pinamumunuan ni Aquino, na nasa likod ng kanyang diskuwalipikasyon. (MADEL SABATER NAMIT)