IPTL_MOA_13_KevinDelaCruz_120915 copy

Philippine Mavericks umaalagwa pa; Rafa at Serena, pinasaya ang fans.

Bagaman nasa magkalaban na koponan ay hindi napigilan ang mga nirerespeto at kinikilalang mga kampeon sa mundo ng lawn tennis na sina Serena Williams at Rafael Nadal upang tila pagliyabin ang ginaganapang lugar ng International Premier Tennis League (IPTL) Martes ng gabi na Mall of Asia Arena.

Inungusan ng host na Philippine Mavericks ang nagtatanggol na kampeon na Micromax Indian Aces sa pinaglabanang magkakaibang limang matitinding set na ikinatuwa naman ng mga nanood bunga ng ipinakitang de kalidad na tennis match na pinaghirapan ang bawat puntos kada set.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Gayunman, natapos ang labanan sa matira-matibay na salpukan matapos na iuwi ng home team na binitbit ng napakalakas mag-serve na si Milos Raonic sa pamamagitan ng nakaririndi na shoot-out ang panalo sa iskor na 25-24 para itala ang tatlong panalo sa lahat ng laro na ikinasiya ng jampacked na manonood.

Unang nagwagi sa aksiyon sa Legends mark ang tumayo na playing coach ng Philippine Mavericks na si Mark Philippoussis na binigo ang tinaguriang Magician na si Fabrice Santoro sa pagtala nito ng 6 service aces sa set upang itala ang 6-4 panalo para sa home team.

Gayunman, bumawi ang Indian Aces sa pag-agaw sa men’s doubles sa paglalaro nina Ivan Dodig at Rafael Nadal na ipinamalas ang pinakamataas na kalidad sa doubles tennis match. Itinala nito ang 6-4 panalo kontra naman kina Eduard Roger-Vasselin at Richarg Gasquet.

Ang Mixed doubles ay dinomina naman ng Aces mula sa ekspiriyensadong pareha nina Indian Mirza at Bopanna na nagwagi kontra kina Serena Williams at Treat Huey para sa abante ng Aces sa 2-1 sa pagwawagi sa iskor na 6-3.

Subalit ipinamalas ni Serena Williams kung bakit siya ang isa sa kinikilalang tennis powerhouse matapos itala ang dominanteng 6-3 panalo para sa home team kontra kay Samantha Stosur upang kumpletuhin ang kanyang ikalawa na paglalaro sa IPTL sa pagwawagi bago nangako na babalik para sa home fans sa susunod na taon.

Napabilib lahat sa ikalawang pinakaaabangang labanan sa torneo sa paghaharap nina Nadal at Raonic sa tampok na singles game.

Naging matindi ang labanan ng dalawa kung saan bawat puntos ay matinding pinaghirapan bago na lamang nagawa ng Mavericks na sinuportahan ng maingay na fans at ni Raonic na itala ang panalo sa shoot-out, 6-5.

“I just played my game, stuck to the plan. With Rafa out there, I knew I had to keep the points short, not let him control the game, and that’s just what I did. It is exciting to play the way we did all three nights in front of home fans, winning all our matches here,” sabi ni Raonic.

“We had a great captain in Mark, picking his player rotation the way he did, starting out in exceptional fashion winning the opening set each time, which was very motivating. It’s a great format, very audience-friendly and tv-friendly. We have a great atmosphere in the team, and are looking forward to taking this winning streak into the next leg,” sabi pa ni Raonic:

“I loved the energy out there today. I had my chances, it could have gone either ways, but it was a great match. It was a great afternoon. Great tennis. I had the final point for the Aces but I came back 2 breaks down during the set. And he played great and I missed him by two forehands at the end. But it was great fantastic energy out there and I enjoyed the crowd. I enjoyed playing the doubles too, Ivan is a fantastic doubles player and I play singles well, so it was a good combination,” pahayag naman ni Nadal.