Rouse_JPEG copy

Halos isang buwan bago muling makabangon sa pagkakalugmok si UFC superstar Ronda Rousey at makapagbigay ng pahayag sa kanyang kabiguang natamo sa huli nitong laban kay Holly Holm sa UFC 193.

At karamay ang libu-libo nitong tagahanga na lubos ding nasaktan sa kabiguan ni Rousey noong gabing ma-knockout siya ni Holm, animo ay isa itong gamot na kailangang lunukin para sa dating UFC bantamweight queen.

Sa isang exclusive interview ng ESPN, inihayag ni Rowdy ang kanyang emosyunal na estado sa isang pangungusap lamang.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“I’m just really f***ing sad.”

Noong mismong gabi ng Nobyembre 15 sa Etihad Stadium sa Melbourne, Australia, ay nalasap ni Rouse y ang kanyang first professional mixed martial arts loss. Ang sobrang sakit na naranasan niya noong siya ay sumali sa judoka sa active competition noong mid-2000s. Ang pagkakaiba lang sa pagkakataong ito, ay mas malaki ang premyo maliban pa sa mas kinikilalang world title belt na nakapalibot sa kanyang beywang, at ang kanyang reputasyon bilang isang matikas na fighter.

Ayon kay Rousey, ang ganoong sitwasyon ay paulit-ulit na niyang naranasan sa mga nakaraan, subalit ang partikular na laban niya kay Holm, ay umaming wala siya sa kanyang katinuan.

“I got hit in that first round. I cut my lip open and knocked a couple of my teeth loose,” ang paliwanag ni Rousey “I was out on my feet from the very beginning.”

“I wasn’t thinking clearly. I had that huge cut in my mouth and I just spit [the blood] out at my feet,” dagdag pa nito. “Then they brought the bucket over and I’m like, ‘Why didn’t I spit it in the bucket?’ I never spit on the ground.”

Inamin ni Rousey na gusto niya munang magpahinga at mawala pansamantala matapos ang UFC 193 at muling babalik sa UFC 200 sa Hulyo 2016.

Gayunman, ang pahayag niyang iyon ay nauna bago ang pagkatalo niya kay Holm at mayroon siyang malaking anunsiyo sa kanyang pagbabalik.

“I need to come back. I need to beat this chick,” ang naging pangako ni Rousey. “Who knows if I’m going to pop my teeth out or break my jaw or rip my lip open. I have to f****ng do it.” (Abs-Cbn Sports)