Posibleng pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes ang isang low-pressure area (LPA) na namataan sa bisinidad ng Pilipinas.

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na huling natukoy ang LPA sa layong 2,500 kilometro Silangan-Timog Silangan ng Mindanao.

Ayon kay weather forecaster Rene Paciente ng PAGASA, kapag tuluyang nakapasok sa PAR at maging ganap na bagyo ang naturang low pressure area ay papangalanan itong “Nonoy” at posibleng maging huling sama ng panahong papasok sa bansa ngayong taon.

Sinabi ni Paciente na malaki ang posibilidad na maaapektuhan nito ang Bicol, Eastern Visayas o Northern Mindanao.

'So refreshing!' Netizens nakakita ng 'Diwata' sa Boracay

(Rommel P. Tabbad)