VILMA copy

IBINAHAGI ni Gov. Vilma Santos-Recto sa ilang entertainment press na kumober sa Ala, Eh Festival sa Sto. Tomas, Batangas ang dahilan kung bakit mas pinili niyang tumakbo bilang kongresista ng Lipa City kaysa sunggaban ang offer ng ilang presidentiables para sa 2016 local and national elections na tumakbong bise presidente ng bansa.

“Maraming salamat sa mga nagtitiwala sa akin kaya lang, si Sen. Ralph (Recto, her husband), nasa national government na at kung tatakbo pa akong vice president, buong bansa na rin ‘yun. Eh, hindi ko makakaya kasi first priority ko pa rin ang family ko,” sambit ng ina ng Batangas sa mini-presscon sa newly opened NDN Hotel sa Sto. Tomas bago sinimulan ang grand finals ng “Voices, Songs and Rhythms” o “VSR” singing contest sa open air auditorium ng hotel.

“I still manage our house, hindi puwedeng wala nang tatao sa bahay namin. Kaya tama na sa national si Ralph. Ako, I choose to run as representative of the lone district of Lipa. At least, nasa Batangas pa rin ako, which I love so much, at may time pa rin ako para sa family ko.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kasamang humarap ni Gov. Vi sa mini-presscon ang ilang showbiz celebrities na kaibigan niya at sumusuporta sa Ala, Eh Festival na sina Christian Bautista, Vhong Navarro, Billy Crawford, Vehnee Saturno, Jessa Zaragosa, Siquior Vice-Gov. Dingdong Avanzado at Batangas Vice-Gov. Mark Leviste.

Sa tanong ng press kung itutuloy pa rin ang annual Ala, Eh Festival kahit tapos na ang tatlong termino ni Ate Vi sa 2016, tumingin ang actress-turned politician kay VG Mark sabay sabing, “May budget ‘yan! Seriously, kailangan ituloy dahil para rin ito sa turismo ng buong probinsya.”

Agad din namang sumang-ayon si Vice-Gov. Mark na obviously, tanging siya naman talaga ang most likely to inherit the post na iiwan ng magiting na gobernadora.

Ang “VSR” singing contest (haven’t you noticed? It’s Ate Vi’s initials) ay proyekto ng multi-awarded public servant/actress mula pa noong mayor pa lang siya ng Lipa City. Naging provincial-wide ang contest simula noong umupo na siya bilang gobernador ng lalawigan.

Present sa event si Mayor Edna Sanchez ng Sto. Tomas. Nagsilbi namang hosts ng “VSR” sina Alex Gonzaga, Billy Crawford at Vhong Navarro at hurado sina Christian (Bautista), Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino, Jessa at Dingdong.

Magagaling ang contestants na may dalawang set. Sa junior division, naglaban-laban sina Lucas Nikko Garcia, Pauline Agapitan, Keon Patrick Driz, Marion Joyce Elefante, Hera Helen Macalalad, Monica Andrea Rosales at Victor Jake Villanueva.

Sa senior division, biritan showdown naman sina Audrey Malaiba, Joel Alcaraz, Roel Riel, Melvin Rimas, Venus Pelobello, Jenimay Mabini at Ma. Michelle Adajar.

Nagtapos ang week-long celebration ng Ala, Eh Festival nitong nakaraang Martes sa pamamagitan ng isang misa at magarbong mardi gras parade sa main streets ng Sto. Tomas. (LITO MAÑAGO)