Pinayagan ng Korte Suprema si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na makapiling ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa La Vista, Quezon City sa Pasko at Bagong Taon.

Base sa court resolution, pinagkalooban ng Supreme Court (SC) si Arroyo ng Christmas at New Year furlough mula 8:00 ng umaga ng Disyembre 23, 2015 hanggang 5:00 ng hapon sa Disyembre 26, 2015; at mula 8:00 ng umaga sa Disyembre 30, 2015 hanggang 5:00 ng hapon sa Enero 2, 2016; upang makauwi at makapiling ang kanyang pamilya sa kanilang tahanan sa No. 14 Badjao St., La Vista Subdivision, Quezon City.

Nakasaad sa SC resolution: “The Court directs Mr. Albert A. Dela Cruz, the Acting Chief of the Security and Sheriffs Services of the Sandiganbayan to implement the resolution in coordination with the appropriate office of the Philippine National Police and to report to the Court on his full compliance herewith on or before Jan. 11, 2016.”

Ang furlough ay kaugnay sa hiling ni Arroyo sa korte na payagan itong pansamantalang makapagpiyansa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Habang nakabimbin ang petisyon, hiniling din ng dating Pangulo sa korte na isailalim siya sa house arrest. Si Arroyo ay kasalukuyang nakasailalim sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Una nang binigyan ng SC ng karagdagang 90 araw ang kautusan nito na nagpipigil sa Sandiganbayan na ipagpatuloy ang pagdinig sa kasong pandarambong na kinahaharap ni Arroyo kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa P366 milyong anomalya sa intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula 2008 hanggang 2010.

Nakasaad sa resolusyon ng SC: “In the matter of GR No. 220598... the Court issued a status quo ante order for 90 days, or until February 19, 2016, directing the parties to observe the status quo prevailing before the issuance of the assailed orders of the Sandiganbayan dated April 6, 2015.” (Rey G. Panaligan)