Sa pagtaas ng bilang ng mga Pilipino na bumibisita sa France, nagbukas ang French Embassy ng visa application center upang mapabilis ang pagpoproseso ng lumaking bilang ng entry applications sa kanilang bansa.

“In recent years, France has experienced a rapid rise in the number of Schengen visa applications from the Philippines,” sabi ni French Ambassador Thierry Mathou noong Martes.

Ang France ay miyembro ng Schengen group ng 25 European nation na nagpapahintulot sa single visa ng mga bisita na makapasok sa mga bansang kabilang sa bloc.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Halos 20,000 visa applications mula sa Pilipinas ang natanggap ng embassy noong 2015, na, ayon kay Mathou, ay tumaas ng 100 porsyento mula 2010.

Ang bagong tahanan ng French visa center ay nasa Eco Plaza Building sa Chino Roces Avenue, Makati City na nag-aalok ng personalized reception, assistance sa pagkumpleto ng applicants’ files, at nagbibigay ng real-time information sa status ng application at release date ng passport ng aplikante sa pamamagitan ng e-mail o text.

Ang mga visa applicant na nais bumiyahe sa France ay maaaring magtakda ng appointment date at magsumite ng kanilang mga dokumento direkta sa visa center.

Maaari na ngayong magtakda ng appointment sa VFS Global Centre sa pagtawag sa 790-4903 mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. - 5:00 p.m. (PNA)