MARAMING world leaders ang nagsama-sama sa isang pagpupulong upang talakayin ang lumalalang climate change. Layunin ng pagpupulong na alamin kung ano pang mga bagay ang hindi pa nila natatalakay noon at para himukin ang lahat ng mga bansa na mag-ambag para masolusyunan ang global warming.

Matindi na talaga ang global warming. Nasira na nito ang heat record na kinakailangan ng Sangkatauhan. Mahigit one degree celsius na ang itinaas nito mula nang magsimula ang industriyalisasyon at karamihan sa mga scientist ay nagkakaisa na ito ay dahil sa man-made emission ng heat trapping gases.

Nangangahulugan na tayong mga tao ang may kagagawan ng problemang ito.

Hindi lamang ang pagtaas ng temperatura ang nagaganap. Ang tinatawag na Glaciers ay natutunaw, ang label ng tubig sa dagat ay tumataas at ang heat waves ay dumadalas.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Hindi na biro ang nagaganap sa mundo at ang mga leader ng mga bansa ay nababahala na rin kaya idinaos ang meeting na tinatawag na COP21, nangangahulugan na ito na ang ika-21 pagpupulong ng Conference of Parties to the UN Framework Convention on Climate Change.

Ngunit ano ba ang dapat nating asahan sa mga pagpupulong na ito? Dumadagundong na halos ang mga RETORIKA ni President Barrack Obama at iba pang mga leader na nagsisipangako na sila ay makikipagtulungan upang puksain ang climate change ngunit hindi dapat tayo lubos na magtiwala, ayon kay Greenteace Chief Kumi Naidoo.

Ang retorika ni Obama tungkol sa matinding peligro na kinakaharap ng Sangkatauhan sa global warming ay kabaliktaran ng patakaran ng US na ipagpatuloy ang pag-subsidized sa pagsunog ng fossil fuels na pangunahing dahilan ng climate change.

Ang ginaganap na UN conference, na nilahukan ng 195 bansa ay matatapos sa Disyembre 11.

Ngunit ang pagkakahati ng mayayaman at mahihirap na bansa at ang pag-asa sa paggamit ng coal, gas at oil sa maraming bansa, ay nangangahulugan na ang magiging kasunduan ay walang kasiguruhan.

BIRONG PINOY

STUDENT: Teacher, ano po ba ang ibig sabihin ng climate change at global warming?

TEACHER: Ang ibig sabihin nito ay tulad ng bagyong ‘Yolanda’, ‘Ondoy’ at iba pang mga bagyo. At ang malakas na lindol sa Bohol. Iyon ang global warming.

STUDENT: Grabe po pala. Kailan kaya babagyuhin ang Kongreso? (ROD SALANDANAN)