NANANATILING mostly watched sa buong bansa ang ABS-CBN nitong buong Nobyembre batay sa nakuha nitong 42% na national average audience share sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa 38% ng GMA, ayon sa data ng Kantar Media.

Patuloy na nangunguna ang mga programa ng ABS-CBN lalo na sa primetime (6PM-12MN) na may average audience share na 49% nationwide kontra sa 33% ng kalabang network.

Matatag at malakas ang kapit sa pagiging No. 1 ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa (39.9%) average national TV rating at pumapangalawa naman ang Pangako Sa ‘Yo (34.8) kasunod ang Dance Kids (31.6) na agad pumasok sa top three pagkaraan lang ng tatlong linggo sa ere.

Umakyat naman sa ikaapat na puwesto ang Wansapanataym (31.5%) mula sa ikaanim na posisyon noong Oktubre kasunod ang TV Patrol (31.4) at weekend top rates na Maalaala Mo Kaya (28.2) at Home Sweetie Home (28%).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hot pa rin ang Pasion de Amor at patuloy na kinaaaliwan ang Goin’ Bulilit na tabla sa ikasiyam na puwesto (26%).

Nananatiling teritoryo ng ABS-CBN ang Balance Luzon na pumalo sa national average audience share na 42% kontra sa 40% ng GMA, ganoon din ang Visayas (52% vs 29%), at Mindanao (54% vs 29%). (ADOR SALUTA)