Tinanggal na sa serbisyo ang 21 pulis kabilang ang isang provincial director ng National Police Commission (Napolcom) dahil sa kasong grave misconduct at serious neglect of duty kaugnay sa Maguindanao massacre na ikinamatay ng 58 katao.

Binigyang-diin ng Napolcom na pinili ng mga miyembro ng 1508th Provincial Mobile Group na manahimik sa kabila ng kanilang nalalaman sa krimen.

“All of the members of the 1508th Provincial Mobile Group chose to become silent spectators to a crime unfolding before their eyes. Their inaction manifests complicity and unity of action to those who committed the abduction, and later, the murders,” pahayag ng Napolcom.

Ang mga sinibak ay sina Supt. Abusama Mundas Maguid, Chief Insp. Zukarno Adil Dicay, Insp. Rex Ariel Tabao Diongon, Insp. Michael Joy Ines Macaraeg, SPO2 Badawi Piang Bakal, SPO1 Edurdo Hermo Ong, PO3 Rashid Tolentino Anton, PO3 Felix Escala Enate, PO3 Abidudin Sambuay Abdulgani, PO3 Hamad Michael Nana, PO2 Saudiar Ubo Ulah, PO2 Saudi Pompong Pasutan, PO1 Herich Manisi Amaba, PO1 Michael Juanitas Madsig,PO1 Abdullah Samma Baguadatu, P01 Pia Sulay Kamidon, PO1 Esperileto Giano Lejarso, PO1 Esmael Manuel Guialal, PO1 Narkou Duloan Mascu at PO1 Rainer Tan Ebus.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinibak din si Insp. Saudi Matabalo Mokamad dahil sa serious neglect of duty.

Inahayag na noong mangyari ang krimen ay nakatalagang acting Maguindanao provincial director si Supt. Maguid habang deputy si Chief Insp. Dicay.

Magugunita na patungo sa provincial capitol ng Shariff Aguak ang asawa ni Esmael “Toto” Mangudadatu na si Bai Genalyn kasama ang mga kaanak, tagasuporta at mga miyembro ng media para maghain ng certificate of candidacy (CoC) bilang governor nang harangin at paslangin ng mga armadong kalalakihan ang lahat ng nasa convoy noong Nobyembre 23, 2009. (FER TABOY)