Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Operation Rescue and Coordinating Center (ORRC) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagsadsad ng isang light aircraft ilang metro ang layo sa Calapan Airport sa Mindoro Oriental, kahapon.

Sinabi sa ulat ng CAAP na nakaligtas sa kapahamakan ang piloto na si Capt. Angelo Zerna at student pilot nito na si Mark Mendoza na isinugod sa isang ospital sa Calapan.

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, sumadsad ang Cessna 152 trainer aircraft na may tail number RP-C2280 at pag-aari ng Sapphire International Aviation Academy sa isang lugar may 500 ang layo mula sa Calapan Airport dakong 10:14 ng umaga.

Nagsasanay umano sa pag-take off at landing sina Zerna at Mendoza nang maganap ang insidente.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Agad na nagtungo ang mga kinatawan ng Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng CAAP sa lugar upang imbestigahan ang insidente. (Ariel Fernandez)