TAYABAS CITY, Quezon – May bagong alkalde at bise alkalde ang lungsod na ito kasunod ng pagpapataw ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-Quezon ng 90-araw na prevention suspension laban sa anim na opisyal ng siyudad.

Pinanumpa na sa tungkulin ni DILG-Quezon Director Adelma Maullion bilang acting mayor ng Tayabas si Wenda Saberola, habang acting city vice mayor naman si Sergio Caagbay, kapwa incumbent councilor.

Sinuspinde ng Sandiganbayan 4th Division sina incumbent City Mayor Faustino Silang, Vice Mayor Luzviminda Cuadra, at Councilors Venerando Rea, Rex Abadilla, Abelardo Abrigo Jr., at Macario Reyes simula Disyembre 8 hanggang Marso 7, 2016.

Ang kaso ay nag-ugat sa pagkuha sa serbisyo ni Atty. Jose Augusto Salvacion bilang city legal officer bagamat isang pribadong abogado ito, na isang paglabag sa RA 7160 (Local Government Code). (Danny J. Estacio)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito