KANDAHAR, Afghanistan (AFP) — Walong katao ang napatay matapos lusubin ng mga militanteng Taliban ang isang airport complex sa southern Kandahar city ng Afghanistan, nagbunsod ng magdamag na bakbakan hanggang Miyerkules.

Sinabi ng mga residente sa complex na naririnig nila ang mga sundalo na nagmamakaawa sa mga militante na palayain ang kababaihan at mga bata, at nagsisigawan ang mga bata habang nagpuputukan.

Ang atake sa complex, tahanan din ng joint NATO-Afghan base, ay ang ikalawang malaking pag-atake sa lugar sa loob ng 24 oras sa lungsod na kilalang sinilangan ng Taliban.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'