Ipinapanukala ang paglalaan ng bawat local government unit (LGU) ng isang porsiyento ng kanilang Internal Revenue Allocation (IRA) para sa mga programa, proyekto at aktibidad ng mga senior citizen at may kapansanan.

Sa House Bill 6250 na inakda ni Quezon City Rep. Alfredo D. Vargas III, sinabi niya na polisiya ng Estado na magkaloob sa nakatatandang mamamayan at sa mga may kapansanan ng angkop na tulong para sa kanilang ikabubuti at pangangailangan.

“The State recognizes the roles of senior citizens and persons with disabilities in nation-building and community development,” ani Vargas. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji