Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko laban sa pagkain ng shellfish na galing sa Davao Oriental, Bohol, Western Samar, Leyte, Aklan, Iloilo at Biliran, matapos matukoy ng ahensiya na positibo sa red tide toxin ang karagatan ng mga ito.

Sinabi ni BFAR Director Asis Perez na natuklasan sa huling laboratory test ng ahensiya at ng mga lokal na pamahalaan na positibo sa red tide ang mga shellfish na iniahon sa Balite Bay sa Mati, Davao Oriental; Dauis sa Bohol; Daram Island, Villareal, Maqueda, Irong-Irong at Cambatutay Bay sa Western Samar; Carigara Bay sa Leyte; Pilar at Sapian Bay sa Capiz; Alvatas, Batan, at New Washington sa Aklan; Gigantes Island sa Cares, Iloilo; at Naval, Biliran.

Pinaiiwas ni Perez ang publiko sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar dahil ang mga ito ay mapanganib sa kalusugan kapag kinain.

“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs, such as gills and intestines are removed before cooking,” pahayag ni Perez.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Samantala, sinabi ng BFAR na ligtas namang kainin ang mga shellfish mula sa Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan, Bataan, at Manila Bay. (Ellalyn B. de Vera)