Hinamon ni presidential candidate Senator Miriam Defensor Santiago kahapon ang kanyang mga karibal sa pulitika na magdebate sa problema sa katiwalian at kahirapan ng bansa, at hindi sa kanyang problema sa cancer.

Ito ang hamon ni Santiago matapos maglabas ng pahayag na hinihikayat siya ng mga ulat na si dating U.S. President Jimmy Carter ay gumaling sa brain cancer kasunod ng cutting-edge treatment mula sa mga eksperto sa sakit.

“The positive development in the case of Mr. Carter’s cancer trumps the macabre wishes of my naysayers that I should die before I finish a six-year term as president. If Mr. Carter can do it, I, too, can beat cancer to serve the Filipino people,” ani Santiago.

Si Santiago ay nasuring may Stage 4 lung cancer noong Hunyo 2014. Bago maghain ng kanyang certificate of candidacy para pangulo noong Oktubre, inihayag niya na ang kanyang cancer ay nasuring “stable,” habang patuloy siyang sumasailalim sa pagpapagamot.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“My cancer should no longer be a concern in the presidential campaign. I challenge my opponents and their allies to debate instead on issues of national concern. The cancer that demands our urgent attention is corruption and poverty,” sabi ng senador.

Naghain si Santiago ng ilang panukala para tulungan ang mga may sakit na cancer sa Pilipinas. (MARIO CASAYURAN)