BANNER PHOTO_06_DVOLUMADS_KEITHBACONGCO_12082015 copy

TANDAG CITY – Gusto nang makauwi ng mga Lumad na apat na buwang nakatuloy sa mga evacuation center sa Surigao del Sur bago ang Pasko.

Karamihan sa mga Lumad na ito ay napilitang iwan ang kani-kanilang bahay at mga sakahan simula noong Setyembre 1 sa takot na maipit sa labanan ng militar at mga rebeldeng komunista.

Umapela sila sa gobyerno na hayaan silang makabalik sa kani-kanilang komunidad nang walang pangamba ng pag-atake mula sa mga rebelde.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“Gusto na jud namo mo-uli sa amo balay aron didto na kami magselibrar sa Pasko ug Bag-ong Tuig” (Gusto na naming makauwi para makapag-celebrate naman kami ng Pasko at Bagong Taon sa mga bahay namin),” sabi ng isang ginang na may apat na anak na mahigit tatlong buwan nang nakatuloy sa Surigao del Sur Sports Complex (SSSC) sa Tandag City.

Gayunman, sinabi ng mga militanteng grupo rito na makababalik lang sa kanilang komunidad ang mga Lumad kung titiyakin ng gobyerno ang kaligtasan ng mga ito laban sa pananakot ng mga rebelde, gayundin ng mga sundalo.

Nag-alok naman ang pamahalaang panglalawigan ni Gov. Johnny T. Pimentel na magkakaloob ng mga truck na magsasakay at maghahatid sa mga Lumad pauwi sa mga bahay ng mga ito.

Samantala, batay sa record ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 13 sa Butuan City, may 574 na pamilya o 2,793 katao ang nananatili sa evacuation center sa SSSC at sa mga kalapit na lugar. (Mike U. Crismundo)