NAKAKASUKA na ang mga nangyayari sa ating pulitika. Napakagulo na at maging ang mga karaniwang tao ay nadadamay na. Sa ating bansa, pinatunayan ng mga pulitiko ang pagiging utak-talangka. Iyong tipong kapag may nakaungos sa kanila patungo sa itaas ay may pilit na humahatak pababa. Ito ang tinatawag na salaulang pulitika.

Noong unang panahon ay napakalinis ng pulitika. Hindi nagsisiraan, hindi naghahanapan ng butas na maipupukol sa isa’t isa at ang tanging pinaiiral ay kanilang plataporma. Ngayon, ang pulitika ay personalan na at naghahanapan ng maikakaso sa kalaban.

Siguradong kapag tuluyang naalis sa karera si Sen. Poe ay isusunod naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dahil naman sa pagmumura kay Pope Francis.

Tiyak tatargetin din si Sen. Miriam Defensor- Santiago dahil naman sa kanyang sakit. Lahat ng mga napupusuan ng mga botante ay iisa-isahin nila para masiguro ang panalo ng kanilang “manok”.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kung magkataong ma-disqualify ang tatlong nabanggit, ang matitira na lamang sa labanan ay si Sec. Mar Roxas na inendorso ni Pangulong Aquino at si Rizalito David.

Isang walang alam at isang mapakialam. Dalawang ginoong mahilig kumandidato pero hindi mahilig manalo.

Halatang-halata ang pattern ng mga nangyayari. Palibhasa’y hindi umaangat sa survey ang manok ng kasalukuyang administrasyon kaya’t ang lahat ng nagsisiangat ay kinakasuhan para ma-disqualify. Gusto kasi nilang ipagpatuloy ang umano’y “Tuwid na Daan” kahit na walang naniniwala na tuwid nga ito. At kapag nangyari ang plano nilang iyan, “happy days are here again,” para sa kanila.

Kapag nagpatuloy ang global warming at nagunaw na ang mundong ito, saka pa lamang siguro tayo magkakapantay-pantay sa harap ni KRISTO!

BIRONG PINOY

TERYONG: Boss, na-disqualify na pala ang mga kalaban mo?

KANDIDATO: Disqualify? WALA akong alam diyan? Kung sa Mamasapano incident at mga kontrata sa MRT At LRT nga ay wala akong alam eh.

TERYONG: Eh, ano ang ALAM ninyo?

KANDIDATO: WALA!