ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Successful ang material matters. Magiging stable na ang income mo, at may darating pang bagong pagkakakitaan. Reward mo ‘yan sa pagiging sobrang hardworking.

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Focus ka lang sa main strategy. Kakailanganin mo today ang nag-uumapaw na self-confidence at organizational skills.

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Human-Interest

Dating 72 4Ps members, pasok sa topnotchers ng March 2026 LET!

Maging realistic at praktikal sa usaping pera. Ito na ang ideal time para simulan ang matagal mo nang pinaplano.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Marami kang maa-achieve sa career at profession mo today. Ayusin ang pakikipag-usap sa isang espesyal na kliyente.

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Hindi lang para sa mayayaman ang magandang buhay. Posible naman lahat, basta kaya mong talikuran ang mga luho mo.

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Babalikan mo ang path na minsan mo nang dinaanan. Medyo malayo ito, pero sure naman ang destination. Desisyon mo ‘yan kung liliko na.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Gawing malinaw ang detalye ng transaksiyon para ‘di ka madaya. Posibleng magkaproblema sa huling investment.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Strongly connected ka ngayon sa iyong partner. Magkakahugis na ang matagal n’yo nang pinaplano. Pinuhin na lang ang kaunting detalye.

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Planuhing mabuti ang dinadaanang proseso at dagdagan pa ang sipag mo. Don't overeat; limitahan ang paglaklak ng vitamins.

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Favorable day ito para sa’yo. Obserbahan ang sarili kung nakakasunod ka ba sa rules, o kung mayroon ka bang self-discipline at imagination.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Mas mahalaga sa’yo ngayon ang usaping pampamilya. Dahil dito, may mahalagang event na kakanselahin mo.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Magkakaproblema sa pera sa isang katrabaho. Hindi trouble-free ang araw na ito. Mag-ingat sa mga sasabihin mo.