Sinintensiyahan ng Sandiganbayan ng 10 taong pagkakakulong si dating Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad matapos siyang mapatunayang guilty sa kasong graft and corruption.

Inihayag ng Office of the Ombudsman na pinatawan din ng Sandiganbayan ng parusang anim hanggang 10 taong pagkakakulong si dating Pasay City Councilor Jose Antonio Roxas dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Idineklara rin ng anti-graft court na guilty sina Trinidad at Roxas na guilty sa kasong prolonging performance of official duties sa ilalim ng Article 237 ng Revised Penal Code na may kaparusahang pagkakakulong ng hanggang isang taon.

Base sa record ng korte, ipinagkaloob nina Trinidad at Roxas , na noo’y kapwa miyembro ng pre-qualification bids and awards committee (PBAC), ang P480 milyong kontrata sa Izumo Contractors, Inc. para sa konstruksiyon ng pamilihang bayan at city mall bagamat wala silang kaukulang awtorisasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napagtibay na ang bagong PBAC ay binuo noong Disyembre 2003 base sa Government Procurement Reform Act.

Iginiit ng Sandiganbayan na ang inilabas na invitation to bid ni Trinidad ay walang bisa dahil walang pondong inaprubahan at inilaan para sa proyekto. (Jun Ramirez)