Iginiit ng Top Rank Promotions na hindi man para sa WBO super bantamweight crown ang sagupaan nina No. 1 Cesar Juarez ng Mexico at No. 2 Nonito Donaire ng Pilipinas ay dapat para sa interim title ito o final eliminator sa naghahabol sa korona na si dating kampeon na si Guillermo Rigondeaux ng Cuba.
Magsasagupa sa Linggo sina Juarez at Donaire sa San Juan, Puerto Rico para sa WBO International title na hawak ng Mexican at hinihintay na lamang ng Top Rank ang bendisyon ng WBO upang italagang laban para sa bakanteng titulo ang sagupaan.
“We expect an announcement in the coming days,” sabi sa BoxingScene.com ni Top Rank VP of Operations Carl Moretti sa media conference call kamakalawa. “It will come before the weigh-in and before the fight – they will know by that time for sure, whether or not they’re fighting for a world title.”
Ngunit idiniin ni Donaire na may titulo man o wala, nananatiling naka-focus siya para talunin si Juarez at magkaroon ng pagkakataong muling makaharap si Rigondeaux na tumalo sa kanya sa puntos noong 2013.
“I’m ready for any opportunity,” sabi ni Donaire. (Gilbert Espeña)