Direk Tonet2 copy

BILANG director ng All You Need is Pag-Ibig, entry ng Star Cinema sa 2015 Metro Manila Film Festival, tinanong si Antoinette Jadaone sa grand presscon kahapon kung bakit ganito ang titulo ng pelikula niya.

“I think ‘yung title po ng movie is what I believe in na all we need is pag-ibig, kasi parang kahit masaktan ka or may mangyaring maganda, all you need is pag-ibig. ‘Pag napanood ninyo ang movie, sabi nga doon, kapag umibig ka, wala kang talo,” paliwanag ni Direk Tonet.

Paano niya nabigyan ng sapat na exposure ang maraming artistang kasali sa pelikula?

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“’Yung bawat pag-ibig kasi na sinulat ang center no’n dalawang romantic nina Dino at Anya, Melanie at Eric, ‘tapos mayroon sa paligid, iba’t ibang klaseng pag-ibig. Pantay-pantay ang ibinigay kong pag-ibig sa bawat love story, kasi ipinakita ko sa pelikula na maski hindi romantic love ay mas mataas siyang klase ng pag-ibig. Lahat ng pag-ibig pantay-pantay, may pag-ibig sa pamilya, may pag-ibig na hindi nasusuklian and lahat ng klase ng pag-ibig.

“’Yun nga lang, parang may bias kasi sa romantic love kasi, ‘yun ‘yung laging napapanood natin. Ito ‘yung pelikula na masasabi natin na lahat ng pag-ibig basta galing sa puso, mahalaga,” paliwanag ni Direk Tonet.

Kilalang mahilig mag-travel si Direk Tonet kaya hindi na kami nagtaka na sa Coron, Palawan siya nag-shooting ng All You Need is Pag-Ibig. Matatandaan na ang That Thing Called Tadhana ay sa Baguio City at Sagada kinunan, sa Batanes naman ang You’re My Boss nina Coco Martin at Toni Gonzaga.

Ang paliwanag ni Direk Tonet kung bakit sa Palawan, “Sobrang nagandahan talaga ako, parang nu’ng nagpunta ako sa Coron, parang nandoon si God, sabi ko, ‘ay dito nakatira si God?’ So ‘yung Coron po kasi, bukod sa maganda ‘yung mga beach,’ pinakita rin po namin ‘yung underwater.”

Certified movie fan si Direk Tonet, kaya alam niya ang pulso ng moviegoers at kung anong klaseng pelikula ang type ng masa.

“Bago po ako nagtrabaho sa pelikula, talagang fan po ako ng mga pelikula, as in fan ako ng Star Cinema movies, fan ako ng Sheryl (Cruz)-Romnick (Sarmenta). Ganyan po talaga ang family namin, mahilig manood ng sine at pati Santacrusan ng That’s Entertainment pinupuntahan namin.

“So bilang fan ako ng movies, ‘yung genuine love for movies, feeling ko, lumalabas ‘pag nagtatrabaho ako.”

Makakalaban ni Direk Tonet sa Metro Manila Film Festival ang boyfriend niyang si Direk Dan Villegas na Walang Forever naman ang entry.

“Magkaiba naman po ang genre namin, though part po ako ng creative ng movie, pero hindi naman po at hindi ko iniisip,” katwiran ng lady director na lagi ring in love. (Reggee Bonoan)