Nais ng Commission on Elections (Comelec) na matiyak ang matatag na electric power supply ng bansa sa panahon ng halalan sa susunod na taon.

Ito, ayon sa Comelec, ay alinsunod sa kanilang mandato na matiyak ang malaya, maayos, tapat, mapayapa at kapani-paniwalang eleksiyon.

Alinsunod sa Resolution No. 10023, binigyan ng kapangyarihan ng Comelec ang National Electrification Administration, National Power Corporation at mga local electrification cooperatives sa bansa para sa halalan sa Mayo 9, 2016.

Bilang mga deputy, tungkulin ng mga naturang tanggapan na tiyaking matatag, sapat at tuluy-tuloy ang electrical power supply sa buong bansa sa mga araw na kritikal para sa eleksyon o mula Mayo 2, 2016 hanggang sa panahong matapos ang canvassing ng mga boto at proklamasyon ng mga nanalong kandidato. (Mary Ann Santiago)
Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?