SINGAPORE (Reuters) — Kailagang muling doblehin ng Australia at Southeast Asia ang kanyang mga pagsisikap para magbahagi ng intelligence at tiyakin na hindi mangyayari ang Paris-style terror attacks sa rehiyon, sinabi ni Australian Justice Minister Michael Keenan noong Miyerkules.

Daan-daang Indonesian Islamic State sympathizers at ilang Malaysian at Singaporean ang pinaniniwalaang lumalaban sa Syria at Iraq. Nahaharap ang Southeast Asia sa panganib ng pag-atake sa kanilang pagbabalik, sinabi ng Malaysia.

“The fact that the national security situation has significantly deteriorated for all of the countries in the region, including Australia, means we need to re-double those efforts,” ani Keenan, ang Minister Assisting the Prime Minister on Counter Terrorism, sa panayam ng Reuters sa Singapore.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina