ILOILO CITY – Simula noong 2007 hanggang ngayon, may kabuuang 53 opisyal at kawani ng gobyerno ang sinampahan ng kasong kriminal sa pagbebenta o paggamit ng ilegal na droga sa Western Visayas.

Batay sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 6, ang 53 ay binubuo ng 21 halal na opisyal, 21 kawani ng gobyerno, at 11 law enforcer.

Kabilang sa 21 halal na opisyal ang isang bokal, walong barangay chairman, at 12 kagawad.

Kabilang naman sa 21 kawani ng gobyerno ang siyam mula sa Iloilo, pitong taga-Negros Occidental, tatlo mula sa Capiz, at dalawa sa Aklan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa natitirang 11 ay walo ang pulis, dalawa ang sundalo at isa ang mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). (Tara Yap)