Nangibabaw ang Barako Bull veteran forward na si Willy Wilson sa mga top individual career performance noong nakalipas na linggo matapos pamunuan ang Energy Cola sa kanilang 105-98 overtime na panalo laban sa powerhouse Talk ‘N Text noong Huwebes.

Kahit napag- iiwanan ng anim na pulgada ng mga higante at nakababatang front court ng Tropang Texters na binubuo nina rookies Moala Tautuaa at Troy Rosario, hindi nagpatinag ang dating La Salle banger at nagtala pa ng career best game na 28-puntos at 20 rebound.

Ang 4th overall pick ng Alaska noong 2004 PBA Draft ay nagpamalas ng kakaibang intensity kontra Talk ‘N Text at ginamit ang kanyang karanasan upang mautakan ang kanyang mas nakababatang mga defender at tulungan ang Barako Bull na maisiguro ang isang playoff spot.

Dahil sa panalo, umangat ang kanilang koponan sa patas na barahang 4-4,panalo - talo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I’m not a big stats guy. If I get the stats, great, as long as it contributes to a win,” anang 12-year veteran, na may average sa PBA career-high numbers na 16.3 puntos, 12.8 rebound at 3.1 assist.

“If I get the stats but we don’t win, it’s all for nothing. Nobody’s gonna read about, oh, Willy Wilson got this and that if the team lost.”

Maituturing na isang PBA journeyman matapos magpalipat-lipat sa mga koponan ng Alaska, San Miguel at Barangay Ginebra, bago napunta sa Barako Bull, si Wilson ang hands-down choice para sa Accel-PBA Press Corps Player of the week noong Disyembre 1-6 kung saan tinalo niya sina PBA superstars San Miguel Beer center June Mar Fajardo,Ginebra slotman Greg Slaughter, at Star playmaker Mark Barroca. (Marivic Awitan)